Oversight hearing sa water crisis, tinatapos na ng Kamara

Tuluyan nang ipinahinto ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang oversight hearings sa kamara kaugnay sa nararanasang krisis sa suplay ng tubig.

Ayon kay Arroyo, sapat na narinig na nila ang lahat ng paliwanag ng Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Hindi naman aniya makikialam ang Kamara sa usapin ng rebate o refund para sa mga customer dahil tiniyak ng water concessionaire sa mga Kongresista ang short at long-term solutions sa problema sa tubig.


Kabilang sa mga solusyon ang pagtapos sa ginagawang Cardona treatment plant, ang China-funded Kaliwa Dam project na tinututulan ng ilang sektor at ang pagkakaroon ng stationary tanks at pagtatayo ng deep wells.

Giit ni Arroyo, ang dapat gawin ngayon ay pagkatiwalaan ang water concessionaire pati na ang MWSS at umasa sa pangako nila na aayusin ang serbisyo at tutugunan ang problema.

Facebook Comments