OVERSUPPLY NA BAKUNA NARARANASAN SA DAGUPAN CITY; BILANG NG NAGPAPA-BOOSTER NANANATILING MABABA

Aminado ang City Health Office ng Dagupan City na nagkakaroon ng oversupply ng bakuna sa lungsod dahil sa kakaunting bilang ng mga nagpapabakuna.
Saad ni Dra. Ophelia Rivera, ang city health officer ng lungsod nakatakdang dalhin sa bawat barangay ang pagbabakuna ng booster shot upang maabot ang target na aabot sa 37,000 o 650 na indibidwal kada araw.
Dagdag pa nito, nag expire na din ang ilang bakuna sa lungsod dahil sa kakaunting bilang ng nagpapaturok sa booster shot, ngunit tiniyak nito na sapat ang supply ng bakuna para sa eligible population.

Nakatakdang magsagawa ng barangay vaccination muli ang ahensya sa susunod na linggo at patuloy din ang ginagawang inisyatibo ng LGU sa lahat ng mga empleyado ng Business establishments upang masigurong nakapag pabakuna na ang mga ito para maging ligtas ang mga empleyado at ang kanilang mamimili.
Samantala patuloy din sa registration ang mga dagupenyong gusto ma avail ang programang Konsulta mula sa PhilHealth at Dagupan LGU upang mas mapalawak pa umano ang medical services para sa mga Dagupeño. | ifmnews
Facebook Comments