Benny Antiporda, nahalal na full-pledge administrator ng NIA

61

Nahalal sa katatapos na 984th National Irrigation Administration (NIA) regular board meeting si Benny Antiporda bilang bagong administrator ng NIA.

Unang naitalaga si Antiporda sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), kung saan tinutukan niya ang paglilinis sa isla ng Boracay matapos sumailalim sa malawakang paglilinis at rehabilitasyon kasama ang magkasanib na pagsisikap ng Boracay Inter-Agency Task Force, pagbuwag sa mga iligal na istraktura at muling pag-aayos ng sistema ng dumi sa mga turista sa beach.

Bago ang kaniyang bagong appointment, itinalaga noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng puwesto si Antiporda bilang senior deputy administrator ng NIA.


Facebook Comments