Nababahala ang United Broilers and Raisers Association (UBRA) na baka magkaroon ng oversupply ng manok, kasunod ng matumal na benta ng karneng baboy sa ilang pamilihan dahil sa African swine fever (ASF).
Ayon kay UBRA President Elias Jose Inciong – nananatiling mataas ang imbentaryo ng manok pero posibleng masobrahan sa produksyon sa manok kapag humupa ang isyu ng ASF.
Sa price monitoring, ang presyo ng regular-sized chicken ay 96 pesos per kilo.
Facebook Comments