Monday, April 6, 2026

OVP, nagpatupad na rin ng work arrangement sa harap ng krisis sa langis

Nagpapatupad na rin ang Office of the Vice President (OVP) ng work arrangement sa harap ng krisis sa langis.

Sa ilalim ng work arrangements ng OVP, nagsisimula ang kanilang operasyon ng 8:00 AM – 5:00 PM mula Lunes hanggang Biyernes.

At kapag Biyernes, naka-work from home ang OVP personnel.

Ang tanging bukas lamang kapag Biyernes ay ang Central Records Unit ng OVP para tumanggap ng mga dokumento.

Facebook Comments