OVP, patuloy na tatanggap ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo hanggang December 5

Photo Courtesy: VP Leni Robredo | Facebook

Patuloy na tatanggap ng in-kind donations ang Office of the Vice President (OVP) para tulungan ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo hanggang sa susunod na linggo.

Sa Facebook post, sinabi ni Vice President Leni Robredo na tatanggap pa rin sila ng donasyon hanggang December 5 para maibaling nila ang kanilang atensyon sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong lugar.

Ang mga donasyon ay ibibigay sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly at Ulysses sa Luzon, lalo na sa Bicol Region.


Ang mga donasyon na pagkain at supplies na dumating sa OVP ay nakalikom ng ₱66.1 million na cash donations para sa relief efforts mula nitong November 26.

Sa ngayon, ang OVP ay nakapaghatid na ng tulong sa Cagayan, Isabela, Bicol, Quezon, Rizal at Metro Manila.

Facebook Comments