Sa ilalim ng Welfare Assistance Program (WAP) ng OWWA na nagbibigay ng cash relief assistance sa mga miyembro nito, active o non-active na nangangailangan ng atensyong medikal ay nakabenipisyo ang 3 OFWs sa ARMM na may karamdaman.
Kinilala ang naturang OFWs na sina Saguira S. Agkong, Henerosa D. Macalaba at Bainalyn U. Takuken.
Si Agkong ay dating OFW mula sa UAE, na- diagnose na may endometrial cyst, nakatanggap ito ng P 10,000.00 mula sa OWWA-ARMM.
Si Macalaba ay na-repatriate naman noong August 2017 makaraang magkaroon ng cerebrovascular disease habang nagtatrabaho abroad, nakatanggap s’y ng P 20,000.00.
Samantalang, si Takuken na benepisyaryo din ng WAP ay ni-repatriate matapos na magkaroon ng sepsis dahil sa pumutok nitong appendix, nakatanggap din s’ya ng P20,000.00.
Sa kasalukuyan, 24 beneficiaries na sa ARMM ang naayudahan sa ilalim ng WAP. (photo credit:owwa-armm)
OWWA-ARMM, nagpa-abot ng medical assistance sa may karamdamang OFWs!
Facebook Comments