OWWA-ARMM, pinarangalan ang 2017 Model OFW Families!

Sa isinagawang Awarding Ceremony for the Model OFW of the Year Award (MOFYA) ay tinanggap ng naturang mga pamilya ang parangal.
Ang MOFYA ay inisyatibo ng OWWA upang kilalanin ang kapuri-puring mga pamilya ng OFWs na sa kabila ng mga hamon ng overseas employment ay buo pa rin ang kanilang pamilya, nagiging aktibo pa rin sila sa komunidad, tagumpay sa edukasyon ng mga miyembro ng pamilya at tagumpay sa pangangasiwa sa pinansyal at negosyong pinasok nito.
Ang pamilya ni G. Samer I. Tatak at Mr. Jun B. Salazar mula sa Maguindanao ang idineklarang nagwagi para sa Landbased at Seabased category.
Magiging jinatawan ang mga ito ng ARMM sa national awarding na itinakda sa December 2017 kasama ang regional awardees sa buong bansa.
Nasa ika- 12 taon na ngayon ang MOFYA kung saan kinikilala at pinapahalagahan ang OFWs at kanilang pamilya na napagtagumpayan ang hirap at hamon na kanilang kinaharap, naging role models sa kanilang mga komunidad at bilang bahagi ng paglago ng ekomomiya ng bansa ayon kay OWWA-ARMM Regional Director Amy B. Crisostomo. (photo from owwa-armm)

Facebook Comments