Misis brutal na kamatayan sa katextmate?

Sumisigaw ngayon ng hustisya ang pamilya ng isang ginang sa bayan ng Parang Maguindanao bunsod na rin sa sinapit nitong brutal na kamatayan.

Sunog ang mukha at ibang ibang bahagi ng katawan, nakagapos ang mga kamay at paa at naaagnas na ng makita ang bangkay ni Milanie Amporias, 34 anyos ng Sitio Gumagadong Brgy Calawag ng Parang sa dalampasigan ni Brgy Boliok, Sultan Matura.

Malaki rin ang posibilidad na maaring ginahasa pa ang biktima matapos na matagpuan ito na naka underwear lamang sa panayam kay Sultan Mastura PNP Chief of Police CIns Noel Dela Cruz.


September 17 nagtungo sa Cotabato City ang biktimang si Melanie matapos na maghatid ng kaanak nito na pasyente sa CRMC. Kinaumagahan ay namataang sumama ito sa isang hindi nakilalang lalaki na nakamotorsiklo . Malaki ang paniniwala ng kaanak ni Melanie na katextmate nya ito.

Agad pang nagtungo sa DXMY RMN Cotabato ang mister nitong si Taib at nanawagan at inaming malaki nga ang kanyang paniniwala na sumama ang misis nito sa kanyang katextmate.

Noong nakaraang linggo ng makitang palutang lutang na sa dalampasigan si Melanie. Inulila nito ang kanyang apat na mga anak.

Facebook Comments