OWWA BARMM may inilaang programa para sa naapektuhan na mga OFW sa Iraq at Iran

Dahil sa sa umiinit na tensyon sa pagitan ng bansang Iran at Estados Unidos ngayon ay inactivate na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Crisis Management Committee nito.

Ayon kay OWWA BARMM Dir. Uga Solaiman, nilikha na rin ng ahensya ang “Task Force Gitnang Silangan”.

Ang Task Force ang magbibigay ng assistance, nagsasagawa ng monitoring, coordination at nangangasiwa sa lahat ng pangangailangang ayuda ng OFWs sa Iran at Iraq.


Ayon pa kay Dir. Solaiman, handa na ang OWWA na tulungan ang mga OFWs na uuwi sa bansa –mula financial assistance hanggang sa training para sa kanilang kabuhayan.

Inihayag naman ni Dir. Solaiman na sa kasalukuyan ay wala pa silang datos ng eksaktong bilang ng OFWs sa Iran at Iraq na galing sa BARMM. Anya magmumula sa central office ang datos at ito ang kanilang hinihintay.

Sinabi pa ng opisyal na mainam ngayong Duterte Administration dahil pinaghandaan ng gobyerno ang mga ganitong sitwasyon sa pamamagitan ng paglikha ng iba’t-ibang komite na tututok at tutugon sa pangangailangan ng OFWs na apektado ng krisis tulad na lamang ng rapid response team.(Daisy Mangod)

Facebook Comments