OWWA, namahagi ng P400,000 sa 23 distressed OFWs sa Cagayan Valley

Namahagi ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA kahapon, Oktubre 4, ng kabuuang P400,000 halaga ng tulong pangkabuhayan sa isang grupo ng mga distressed Overseas Filipino workers (OFWs) sa rehiyon ng Cagayan Valley.

Ayon sa OWWA Regional Welfare Office 2 (RWO2) na ang mga benepisyaryo ay mga proponent ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay o BPBH program mula sa Quirino Province.

Paliwanag pa ng OWWA Regional Welfare Office 2 na 17 benepisyaryo ang nakatanggap ng kabuuang halaga na P20,000, habang anim sa kanila ang nabigyan naman ng P10,000.


Dagdag pa ng OWWA RWO2, “Ang BPBH ay isang pakete ng livelihood support/assistance na nilalayon nito ay upang magbigay ng agarang tulong sa mga bumalik na miyembro-OFWs (distressed/displaced) na nagkakahalaga ng maximum P20,000.00 bilang panimula o karagdagang kapital para sa livelihood project.”

Giit nito na ang BPBH program ay isang training at employment project sa ilalim ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO) na naglalayong palawakin ang trabaho at oportunidad sa ekonomiya para sa mga OFW sa pamamagitan ng livelihood at skills training, kabilang ang pamamahagi ng business starter kits.

Upang mapakinabangan ang programa, sinabi ng OWWA na dapat kumpletuhin ng mga benepisyaryo ang isang Small Business Management Training at Financial Awareness Seminar mula sa OWWA at NRCO.

Ang mga aktibong miyembro ng OWWA ay may karapatan na makatanggap ng maximum grant na P20,000.

Facebook Comments