Burol ni Percival Mabasa sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park, inulan ng pakikiramay

93

Dumagsa simula kagabi ang mga malalapit na pamilya at kaibigan sa unang gabi ng burol ng beteranong broadcaster na si Percival Mabasa alyas Percy Lapid sa Bonifacio Room, La Funeraria Paz sa loob ng Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.

Base sa anunsyo ng pamilya Mabasa, nagsimula ang burol kagabi hanggang October 8 sa 1st floor Bonifacio Room, Paz Manila Memorial, Sucat, Parañaque City kung saan kinakailangan pa rin obserbahan ang proper health protocol habang nasa loob ng burol.

Matatandaan na tinambangan si Mabasa noong Lunes pasado alas-8:30 ng gabi ng hindi pa nakilalang mga salarin na magka-angkas sa motorsiklo sa Sta. Cecilia gate ng BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City


Ayon sa ulat ng Las Pinas Police, binaril ng dalawang beses si Mabasa ng riding-in-tandem sa gate ng Sta. Cecilia, BF Resort, Las Piñas habang habang lulan ng kanyang sasakyan na kulay itim na Toyota Innova, may plakan NGS8294.

Umulan ng mga pakikiramay mula sa mg kasamahang Media at kaibigan kung saan kinundena rin ng iba’t ibang samahan ng mamamahayag ang brutal na pagpaslang sa beteranong broadcaster kasabay ng panawagan sa Philippine National Police (PNP) na mabigyan ng hustisya at managot sa batas ang nasa likod ng pamamaslang.

Facebook Comments