OWWA officer sa Hong Kong, may paalala sa Pinay domestic workers at caregivers doon matapos ang pagkakabundol sa isang batang babae

Nagpaalala ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Welfare Officer sa Hong Kong na si Virsie Burgos-Tamayao sa Filipino caregivers at domestic workers doon na maging alerto kapag sila ay may kasamang bata sa labas ng tahanan.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng kanilang alaga.

Kasunod ito ng pagtilapon ng limang taong gulang na batang babae matapos itong mabundol ng taxi nang biglang tumawid sa kalsada.


Nakunan din ng video na agad itong binuhat ng domestic worker.

Nagtamo ng injuries ang bata at agad namang nadala sa ospital.

Facebook Comments