Pamimigay ng ₱10,000 na ayuda sa pamamagitan QCitizen ID, fake news ayon sa QC LGU

Nilinaw ng Quezon City government na fake news ang kumakalat sa social media na may makukuhang ₱10,000 ayuda gamit ang QCitizen ID o sa pamamagitan ng QC E-Services portal.

Anila, ‘wag basta maniniwala sa mga post sa social media na hindi nanggagaling sa kanilang official website.

Maininam din na bisitahin ang kanilang Facebook page at website na quezoncity.gov.ph kung saan inilalagay ang mga mahahalagang anunsyo tulad ng may kaugnayan sa ayuda, bakuna, voter registration at iba pa.


Base sa fake news na post ng isang Rodel Romanca, hinihikayat nya ang mga taga-QC na magpasa ng application form sa quezoneservice kung saan makakatanggap ng ₱10,000 ang maaaprubahan.

Facebook Comments