Cauayan City, Isabela – Patuloy ang pagtangap ng pamunuan ng Overseas Workers Welfare Adminitration o OWWA Region 2 sa aplikasyon ng calamity assistance ng mga pamilya ng OFW’s na nasalanta ng bagyong ompong.
Inihayag ni Regional Director Filipina Dino ng OWWA Region 2 na hanggang sa ngayon ay patuloy pa umano ang pagtanggap ng kaniyang pamunuan sa aplikasyon ng calamity assistance para sa bagyong ompong.
Aniya, natigil lamang umano ang relief dahil sa naubos na sa ngayon ang inisyal na pondo at hinihintay pa umano ang hiniling ng OWWA region 2 na karagdagang pondo.
Iginiit pa ni Director Dino na nasa 21 milyong piso ang dating pondo kung saan ay naubos na ito sa pamamahagi ng calamity assistance.
May kabuuang 100 milyong piso umano ang hiniling na pondo ng OWWA region 2 para sa calamity assistance kung saan ang kakulangang 79 milyong piso pa ang kulang dito pero hindi naman umano ito sigurado kung aaprubahan lahat ng gobyerno.
Kaugnay nito, patuloy pa umano ang pagtanggap ng aplikasyon mula sa mga LGU’s at sa katunayan umano ay may limang daang aplikasyon bawat araw ang itinakda dito para sa pagsumite ng mga aplikasyon ng calamity assistance.
Ito ay isang paraan umano upang maiwasan ang anumang problrema sa pagsumite ng aplikasyon at para walang mahimatay na katulad ng nangyari noon sa tanggapan ng OWWA dahil sa pagdagsa ng maraming aplikante.
Samantala, ang calamity assistance sa mga nasalanta ng bagyong rosita ay hindi pa umano nagbukas ang OWWA dahil kasalukuyan pa lamang umano ang assessment sa mga lugar na nasalanta ng bagyo at hintayin na lamang umano ang paabiso ng OWWA hinggil dito.