*Cauayan City, Isabela*-Tiniyak ng pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 2 ang mga benepisyong makukuha ng naulilang pamilya ng OFW na si Analyn Cagurangan na napaulat na nagbigti habang nakalive video sa kanyang kwarto sa bansang Oman.
Ayon kay Ginang Luzviminda Tumaliuan, OWWA Director ng Region 2, inihahanda na nila ang mga benepisyo na matatanggap ng kaanak ni Analyn gaya ng (P120,000.00) para sa Death Claim, walong libong piso (P8,000.00) kada taon para scholarship assistance ng pangalawang anak nito at 15k para sa livelihood program.
Dagdag pa ni Ginang Tumaliuan na nagbigay na ng inisyal na tulong pinansyal ang ahensya ni Analyn na 30 libong piso.
Kaugnay nito, hindi pa rin ito makapaniwala ang pamilya ng ofw sa kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay nito.
Ayon naman kay Ginoong Fernando Cagurangan,dating asawa ni analyn, bagama’t sila’y matagal ng hiwalay ay may maganda naman silang ugnayan kaya’t labis nalang ang kanilang paghihinagpis maging ang mga anak nito sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.