Wednesday, February 11, 2026

OWWA, tiniyak na tumutulong ang employer ng OFW matapos mabiktima ng karahasan ang tatlong anak nito sa Silay City

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tumulong ang employer sa Dammam, Saudi Arabia sa isang OFW na umuwi ng Pilipinas matapos mabiktima ng karahasan ang kanyang tatlong anak sa Silay City, Negros Occidental.

Ayon sa OWWA, nagbigay ng plane ticket ang employer ni OFW Ronelyn upang agad itong makauwi ng bansa.

Nagbigay rin ng tulong-pinansyal at welfare support ang Department of Migrant Workers (DMW)-OWWA sa pamilya ng OFW.

Naganap ang trahedya noong February 7, kung saan natagpuan ng ama ng mga biktima—na isang construction worker—ang kanyang tatlong anak na walang malay at duguan sa kanilang tahanan.

Isa sa mga bata ang nasawi, habang dalawa ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon at patuloy na ginagamot sa isang ospital sa Bacolod City.

Facebook Comments