Doblado ang kauna-unahang pondo ng Bangsamoro Government.
Sa panayam ng DXMY kay Minister of Local Government at BARMM spokesperson Atty. Naguib SInarimbo, ang P65.3B 2020 na pondo ng BARMM na inaprubahan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) noong Biyernes ay mas malaki o doble pa sa dating pondo ng binuwag na Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na na nasa P30B lamang.
Ang mainam pa rito ayon kay Minister SInarimbo, mas malaking bahagi ng naturang pondo ng BARMM ay mapupunta sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa mamamayan ng BARMM, hindi tulad noon sa ARMM na mas malaking parte ng kanilang pondo na galing sa national ay napupunta lamang sa pasahod sa mga empleyado.
Sa P65.3B 2020 fund ng BARMM, mas malaki ang mapupunta sa Ministry of Education na abot sa mahigit P19B, sinundan ito ng Office of the Chief Minister, malaki rin ang pondong mapupunta sa Ministry of Health, Ministry of Social services at Ministry of Public Works.
Sinabi pa ni Minister Sinarimbo, alinsunod ito sa mga priority ng BARMM government, isa na dito ang pagpapahusay sa edukasyon, kalusugan ng mamamayan, paghahatid ng basic services sa mas higit na nangangailangang mga residente at ang pagpapa-inam sa imprastraktura.
“Inclusive” o para sa lahat ng mamamayan ng BARMM ang kauna-unahang pondo ng Bangsamoro governemnt.
Sinabi ni Minister Sinarimbo na gaya ng sinabi ni Chief Minister Al Hadj Murad Ebrahim hindi para sa kanya, hindi para sa ministers bagkus ay para ito sa Bangsamoro people.(Daisy Mangod)
BARMM Pic