P/BGEN. CASIMIRO, BINISITA ANG PUNTOD NG KANYANG AMA SA NUEVA VIZCAYA!

260

*Cauayan City, Isabela*- Dinalaw ni P/BGen. Angelito Casimiro ang puntod ng kanyang yumaong ama sa Bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya kahapon.

Sa kabila ng pagiging abala nito sa pag iinspeksyon sa mga lugar sa lambak ng cagayan ngayong ginigunita ng karamihan ang puntod ng kani-kanilang namayapang mahal sa buhay ay naglaan pa rin ito ng oras para sa kanyang ama.

Makikita sa larawan ang taimtim na pagdarasal ng direktor para sa kanyang yumaong ama matapos nitong muling madalaw makalipas ang tatlong (3) dekada nitong pananatili sa Mindanao nang madestino bilang Regional Director.


Nag alay din ng bulaklak si P/BGen. Casimiro kasama ang kanyang mga kaanak nang magtungo ang mga ito sa sementeryo kahapon.

Samantala, tiniyak naman ng pangrehiyong direktor na patuloy ang kanilang isasagawang pagbabantay upang mapanatili ang kapayapaan hanggang sa pagbiyahe ng publiko matapos ang pagdalaw sa kanilang mga mahal sa buhay.

Facebook Comments