P/BGEN. Casimiro, Nagbabala sa mga Pulis na Nasasangkot sa Droga!

Cauayan City, Isabela- Muling nagbabala si P/BGen. Angelito Casimiro, Regional Director ng Police Regional Office 02 (PR02) sa kanyang kapulisan na gumagawa ng anumang iligal na aktibidad.

Sa pagbisita ni P/BGen. Casimiro kahapon sa Santiago City Police Office (SCPO) ay binalaan nito ang kanyang hanay na handa nitong tanggalin sa serbisyo ang sinumang pulis na masasangkot sa iligal na droga.

Wala aniyang dahilan para masangkot sa illegal na aktibidad ang isang pulis dahil mayroon namang pondo mula sa National Headquarters na direktang ibinibigay sa mga stations at unit.


Kaugnay nito, ipinaalala ni PBGen Casimiro ang mahigpit na pagpapatupad sa “One Strike Policy” para sa mga nasasangkot sa droga maging sa pagsusugal.

Pinaalalahanan rin ni PBGen Casimiro ang kanyang kapulisan na huwag mag-recycle ng mga nakukumpiskang droga sa mga isasagawang operasyon.

Facebook Comments