P-Duterte, diterminadong balik ang tiwala ng taong bayan sa pamahalaan

Manila, Philippines –  Diterminado si Pangulong Rodrigo Duterte naibalik ang tiwala ng taong bayan sa pamahalaan.

 

Ito ang binigyan diin niPresidential Spokesperson Ernesto Abella kasunod ng pagsibak ng PangulongDuterte kay DILG Sec. Mike Sueno.

 

Sa press conference sa Malacañang– sinabi ni Abella na nawalan ng trust and confidence ang pangulo kay Suenokaya niya ito tinanggal sa pwesto matapos na masangkot sa isyu ng korupsyon atpag-abuso umano sa kapangyarihan.


 

Ayon kay Abella – angpagsibak kay sueno ay nagpapakita kung gaano ka-determinado ang pangulo paraayusin ang gobyerno at maibalik ang tiwala ng publiko sa mga opisyal ngpamahalaan.

 

 

Kasabay nito, sinabi ni Abellana wala pang napipisil ang pangulo na kapalit sa pwesto ni Sueno.

Facebook Comments