P-Duterte, gustong ipresinta kay Sen. Drilon ang sitwasyon ng operasyon ng iligal na droga sa Iloilo City

Manila, Philippines – Gustong makausap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Frank Drilon sa Malacañang.

Ayon sa Pangulo, nais niyang ilatag sa Senador ang sitwasyon ng iligal na droga sa Ilo-Ilo City pati ang mga insidente ng Extra Judicial Killings sa bansa.

Kaya naman iimbitahan aniya niya si Drilon sa Malacañang at ihaharap niya sa militar pati na sa PNP para pag-usapan ang mga nasabing issue.


Paliwanag ng Pangulo, gusto niyang ipaunawa kay Drilon ang dahilan ng kanyang pagpupurside na linisin ang ilo-ilo city kung saan nagsisilbing alkalde ang pamangkin nitong si Mayor Jed Mabilog.

Sinabi pa ng Pangulo na mukhang nagtatago si Mabilog dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik ng Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na gusto niyang makinig muna si Drilon sa mga sasabihin ng pulis at militar hinggil sa sitwasyon ng iligal na droga sa Iloilo City, at sa mga kaso ng ejk’s bago ito magbitiw ng anumangmga pahayag na kontra sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments