Manila, Philippines – Sinampahan ng 3 counts of violation of RA 4200 o Anti Wire-Tapping Law ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Sen. Risa Hontiveros sa Pasay city Prosecutors Office.
Ito ay makaraang isapubliko ni Hontiveros ang larawan ng umano’y palitan ng text messages sa pagitan ni Aguirre at dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras.
Ipinaliwanag ni Aguirre na ‘private communications’ ang text messaging at anumang hindi otorisadong ‘intrusion’ ay maituturing na ilegal.
Sinabi ng kalihim na maliban sa piskalya magsasampa rin sya ng kaparehong kaso sa Senate Ethics committee laban kay Hontiveros.
Facebook Comments