MANILA – Wala ng balak ang Pangulong Rodrigo Duterte na sumakay ng private jet –kapag umuuwe ng Davao City tuwing weekend.Paliwanag ng pangulo – hindi sa hindi siya natatakot, kundi nahihiya siya sa taongbayan.Noong nakaraang linggo – bumalik ng Metro Manila ang pangulo sakay ng commercial flights ng Philippine Airlines.Mas pinili nitong sumakay sa economy seat at tinanggihan ang upuan sa business class.Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nanghihinayang siya sa isang bilyong piso na ginastos ng pamahalaan mula sa pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) — para sa rehabilitasyon ng mga drug addict sa bansa.Ayon sa pangulo – kung sya ang masusunod ay ilalaan nalang niya ang nabanggit na pondo para sa mas mahalagang programa gaya ng feeding program.Anya – maswerte ang mga addict sa bansa dahil matapos maging problema sa lipunan, ay sasagutin pa ngayon ng gobyerno ang gastos para sa kanilang pagbabago.
P-Duterte, Hindi Na Sasakay Ng Private Jet
Facebook Comments