MANILA – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa siya handang kausapin ang Maute group na naghahasik ng karahasan sa Butig, Lanao Del Sur.Pero sa pagbisita ng pangulo sa mga nasugatang miyembro ng Presidential Security Group sa polymedic medical plaza sa Cagayan De Oro na nasabugan ng Improvised Explosive Device (IED) sa Marawi City – iginiit nitong ayaw niya ng away.Ayon sa pangulo, ginagawa niya ang lahat para mapigilan ang giyera pero huwag sana siyang mapilitan na gawin ito.Matatandaan, sinabi ng pangulo noong Martes na handa siyang kaibiganin ang Maute group para wala ng gulo.Ayon naman sa Malakanyang, gusto lamang ipahiwatig ng pangulo na gagawa siya ng paraan para maiwasan ang anumang gulo.Sa ngayon, nagpapatuloy ang opensiba ng militar laban sa Maute group at wala siyang direktiba ang pangulo na itigil ito.
P-Duterte, Hindi Pa Handang Makipag-Usap Sa Maute Group – Pangulo, Iginiit Na Ayaw Ng Away
Facebook Comments