Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na maghintay lang at mararamdaman din ng lahat ang resulta ng kanyang paglaban sa katiwalian sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa susunod na 3 taon ay hindi man tuluyang masugpo ay tiyak na mababawasan ang katiwalian sa gobyerno dahil narin sa anti-corruption drive ng kanyang administrasyon.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, wala siyang patawad sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Inihalimbawa ni Pangulong Duterte ay ang pagsibak niya kay dating Interior Secretary Mike Sueno at ang pinaka bago ay ang kanyang pagsibak kay Sugar Regulatory Administration Chief Ana Rosario Paner na ayon sa Pangulo ay nagpapasweldo ng Consultants na tig, 200 libong piso.
Pero nakukulangan naman ang ilang grupo sa naging hakbang ng Pangulo dahil hindi naman anila kinakasuhan ang mga sinibak na opisyal ng Pamahalaan.
P-Duterte, humingi ng tatlong taon para tuluyang maramdaman ng publiko ang kampanya ng Administrasyon kontra korupsiyon
Facebook Comments