P-Duterte, may hiling bago matapos ang kanyang termino

May hiling sa Panginoon si Pangulong Rodrigo Duterte oras na matapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa sa 2022.

Sa talumpati ng Pangulo sa pagbisita sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato, sinabi nito na hiling niya sa Panginoon na bigyan siya ng aneurysm.

Apela pa ng Pangulo sa Panginoon, huwag nang patagalin ang kanyang buhay.


Kung hindi man aneurysm, stage 3 cancer ang hirit ng Pangulo sa Panginoon.

Giit ng Pangulo wala nang saysay ang buhay ng isang tao kung maghihirap din lang.

Ayon sa Pangulo, sa edad na 74, dapat na aniyang asahan ng taumbayan na hindi na palaging maayos ang lagay ng kanyang kalusugan.

Pabiro pang sinabi ng Pangulo na marami na siyang iniinom na gamot kabilang na ang viagra.

Facebook Comments