Pambabato ng mga Pampasaherong Bus, Muling Naitala ng PNP Solano

*Cauayan City, Isabela*- Muling nakapagtala ang pulisya ng pambabato ng pampasaherong bus sa pambansang lansangan bandang 11:30 kagabi ng Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang tsuper ng bus na si Marius Quinto, 44-anyos na residente ng Blk 7, Lot 3, Batal, Santiago City ang isang pampasaherong Victory Liner Bus na may plakang NBI 8361 ay bigla silang binato ng riding in tandem.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP Solano, patungo sa kalakhang Maynila ang nasabing pampasaherong bus ng mangyari ang insidente habang basag ang salamin o windshield sa harapang bahagi ng bus.


Lumabas pa sa imbestigasyon ng pulisya na hindi lang ito ang unang pagkakataon na may nangyaring pambabato sa mga pampasaherong bus ng di pa matukoy na salarin sa Bayan ng Solano at kalapit pang bayan.

Blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng pambabato ng mga sasakyan sa lugar.

Umaasa naman ang kapulisan na mareresolba ang insidente ng pambabato sa mga pampasaherong bus.

Facebook Comments