P-Duterte, peste sa mga magsasaka?

Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang i-reject ng Commission on Human Rights, nagpahayag ng galit si Ka Paeng Mariano kay Pangulong Rodrigo at tinawag pa ng kaniyang grupo na peste sa mga magsasaka si Duterte.

Ayon Kay Mariano, nagkasa ang mga ibat-ibang grupo ng magsasaka sa Oktubre a-25 ang pambansang lakbayan ng mga magsasaka para sa lupa at laban sa pasismo o lakbay magsasaka.

Ayon kay unyon ng mga magsasaka sa Agrikultura Chairman Danilo Ramos, ang hakbang ng farmers group ay bahagi ng kanilang isang buwang kampanya para igiit sa gobyerno ang kahilingang tunay na reporma sa lupa at sa mga nangyaring pagpatay sa mga magsasaka at land reform advocates.


Alas-8 pa lamang ng umaga sa Oktubre a-25 magmamartsa na ang ibat-ibang farmers group mula sa Department of Agrarian Reform Central Office sa Quezon City patungo sa tulay ng Mendiola sa Maynila na tutuloy sa Plaza Miranda hanggang sa Liwasang Bonifacio sa bandang hapon.

Sa Oktubre a-20 may mga kilos protesta din ang grupo ng mga magsasaka sa mga lokal na tanggapan ng DAR,DA, Phil. Coconut Authority, National Irrigation Administration at military camps sa lalawigan ng Albay,Camarines Sur,Camarines Norte,Masbate at Catanduanes .

Kasabay nito ang mga mass actions sa Eastern Visayas at Northern at Central Luzon bago tumulak ang lakbayan ng magsasaka at magkitakita sa harap ng DAR Central Office sa QC sa Oktubre a-23.

Facebook Comments