P-Duterte, tutulak ng Middle East sa Semana Santa para sa kanyang tatlong state visit

44
Manila, Philippines – Tutulak ng Middle East si Pangulong Duterte sa panahon ng Semana Santa.
 
 
Pupunta ang pangulo sa Middle East mula abril 10 hanggang 16 para sa official visits sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.
 
 
Unang bibisitahin ni Duterte ang Bahrain kasunod ang Saudi Arabia at Qatar kung saan ay inaasahang makikipagpulong din ito sa Filipino Community sa nasabing mga bansa.
 
 
Umaasa din ang malakayang na magiging mabunga ang pagbisita ng pangulo sa nasabing mga bansa para hikayatin ang mga investors na mag-negosyo sa Pilipinas.


Facebook Comments