Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Palasyo ng Malacañang na hindi talaga pupunta si Pangulog Rodrigo Duterte sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Bonifacio Day ngayong araw.
Mayroon kasing lumabas sa balita na inisnab umano ng Pangulo ang selebrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala namang commitment si Pangulong Duterte na dadalo sa anumang aktibidad ngayong araw.
Paliwanag ni Roque, mayroong pupuntahan ang Pangulo na conflict area pero hindi aniya maaaring isapubliko kung saan ito.
Si Roque din naman sana ang pupunta sa Monument sa Caloocan para pangunahan ang aktibidad pero umaga na nang makauwi ito mula sa aktibidad ng Pangulo kahapon sa Pangasinan kaya ang nanguna sa aktibidad ay si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
P-Duterte ,walang aktibidad na dadaluhan kaugnay sa Bonifacio Day
Facebook Comments