P1.2-B halaga ng iligal na droga, nasabat ng NCRPO sa nakalipas na limang buwan

Aabot sa 1.2 bilyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa nakalipas na limang buwan.

Ito rin ay sa gitna ng mas pinaigting na war on drugs ng Philippine National Police (PNP) sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Vicente Danao Jr., umabot sa 4,618 ang ikinasang anti-illegal drugs mula November 11, 2020 hanggang April 15, 2021 kung saan ay nasa 7, 941 ang bilang ng mga nahuli.


Kabilang naman sa mga nasabat ang may 175 kilo ng hinihinalang shabu, 329 kilo ng marijuana, gayundin ang nasa 884 tableta at 300 ml ng liquid ecstacy.

Kasabay nito, pinapurihan ni Danao ang mga kapulisan na nasa likod ng mga nasabing operasyon kasabay ng pagtitiyak sa publiko na sa anumang panahon at pagkakataon ay may mga operasyon na isinasagawa ang Team NCRPO tungo sa tahimik, payapa at drug-free na National Capital Region (NCR).

Facebook Comments