Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ₱1.5 billion na augmentation funds sa mga Local Government Units (LGUs) na tinamaan ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado, hiwalay pa ito mula sa ₱1.5 billion augmentation fund na ibibigay sa CALABARZON, MIMAROPA at Bicol at mga rehiyong sinalanta ng Bagyong Quinta at Bagyong Rolly.
Inatasan na ng Pangulo ang kalihim na ilabas ang pondo sa mga LGU.
Tugon ni Avisado, maaaring ilabas ang pondo sa pamamagitan ng Bureau of Treasury simula ngayong araw.
Facebook Comments