Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maipamahagi ang P1.5 billion cash assistance sa mga qualified beneficiaries nito ngayong linggo sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, nasa 441 milyong pisong halaga na ng cash assistance ang kanilang naibigay sa mga empleyadong hindi makapagtrabaho dahil sa ECQ.
Bukod dito, may mga programa rin aniyang ginagawa ang DOLE para matulungan ang mga manggagawang naapektuhan ang kanilang kabuhayan. Kabilang rito ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced worker (TUPAD) program na maaaring i-avail ng mga tricycle driver na hindi makapamasada dahil sa suspensyon ng mass transportation sa luzon.
Sakop din ng programa ang mga OFW, mga empleyado sa mga hotel, resorts, restaurants at mga Pilipinong empleyado ng POGO.
Ang TUPAD ay isang community-based package assistance na nagbibigay ng emergency employment para sa mga displaced workers, under-employed at seasonal workers sa loob ng 10 hanggang 30 araw.