Aabot sa isang bilyong pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo at tax stamps ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC)-Quick Reaction Team at ng Philippine National Police (PNP) sa isang warehouse sa Victoria Alicia, Isabela.
Ayon sa BOC, narekober din sa operasyon ang mga pekeng foreign tax stamps na nangangahulugang ine-export din ang mga sigarilyo sa ibang bansa.
Nagsasagawa na ng imbentaryo ang BOC sa mga nakumpiskang kargamento.
Samantala, nasa 8.7 tonelada ng mga illegally imported na gamot, cosmetics, sigarilyo at electric goods din ang nakumpiska ng BOC-NAIA sa Trece Martires, Cavite noong Biyernes.
Nanggaling ang mga ito sa iba’t ibang warehouse na walang kaukalang permit at clearances.
Sinira ito ng BOC gamit ang Thermal Decomposer Facility ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI) para masigurong hindi na ito maibebenta sa mga merkado.