Vendor na may Kasong Illegal Recruitment, Arestado sa Isabela

16

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na itinuturing na Top 8 Most Wanted person sa ilalim ng Oplan Manhunt Bravo ng PNP Tumauini, Isabela.

Nadakip sa bisa ng alias order of arrest sa barangay Lanna, Tumauini ang akusado na nakilalang si Fernando Banguilan, 53 anyos, may-asawa, vendor at residente ng naturang barangay.


Si Banguilan ay nahaharap sa kasong Large Scale Illegal Recruitment na naitala noong Agosto 6, 2004 at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa PNP Tumauini ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments