Dalawang taon na ang nakakalipas mula nang tumama ang COVID-19 sa bansa, hindi pa rin napopondohan ang P1 billion COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) para sa mga health workers.
Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nasa 55,844 na health workers pa ang walang SRA at hanggang sa ngayon ay hinihintay pa ng DOH ang tugon ng Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi naman ni DBM Director Sofia Abad na ini-evaluate pa nila ang hiling ng DOH hinggil sa SRA ng mga health workers.
Sa kabuuan, umabot na 400 health workers ang nasawi dahil sa COVID-19 mula nang tumama ito sa bansa noong March 2020.
Facebook Comments