P1-M reward money para madakip sina Maza, Mariano, Ocampo at Casiño publicity stunt lang – grupong Bayan

34

Manila, Philippines – Publicity stunt lang ang plano pang pagpapalaki ng isang milyong pisong reward money para madakip sina Secretary Liza Maza, dating Secretary Rafael Mariano at dating kinatawan Satur Ocampo at Teddy Casino.

Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes na inilalagay sa panganib ang buhay ng 4 na mga dating militanteng mambabatas.

Paliwanag ni Reyes na dapat ikunsidera ng PNP na nakatakda nang desisyunan ng Korte sa Nueva Ecija ang Motion for Reconsideration (MR) ng mga akusado, na ang layon ay ibasura ang mga gawa-gawang kaso.

Dagdag pa ni Reyes na wala rin aniyang naging pagtutol ang prosekusyon sa inihain motion kaya at inaasahan ang mabilis, patas at makatarungang resolusyon ng kaso.

Giit ng grupong Bayan na hindi kriminal ang 4 na dating mga Mambabatas lalo at wala naman napatunayan sa korte at hindi sila dapat ituring na mga kriminal ng mga mang-aaresto sa PNP.

Mas mainam aniya na antayin na lang ang pasya ng Korte kaugnay ng Motion for Reconsideration (MR) sa halip na magsagawa ng Manhunt Operations na maaari pang magresulta sa paglabag sa karapatan ng 4 na dating kongresista.

Facebook Comments