PBA | June Mar Fajardo inako ang pagkatalo ng SMB sa Ginebra

Manila, Philippines – Kahit umiskor ng 23 points at humakot ng 11 rebounds, sinisi pa rin ni Best Player of the Conference June Mar Fajardo ang kaniyang sarili sa pagkatalo ng San Miguel Beer sa Barangay Ginebra, 87-83 kagabi sa Big Dome.

Ayon kay Fajardo kung naisalpak niya sana ang dalawa niyang free throws sa huling 56.6 segundo ng laro ay posibleng naiba ang ending ng laro.

Lamang kasi ng isa ang SMB, 83-82 pero dahil sa crucial misses ni Fajardo naitakas ng Gin Kings ang panalo at isang panalo na lang ang kailangan ng mga ito para makuha ang kampeonato sa Commissioner’s Cup ng PBA.


Sa kabila nito, nangako naman si Fajardo na babalik ang Beermen sa game 6 para mapuwersa ang do-or-die match sa game 7.

Facebook Comments