P10.5 milyong halaga ng marijuana plant pinagsisira, isa arestado sa Cebu

Pinagbubunot at sinunog ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 10.5 milyong halaga ng marijuana plants sa magkahiwalay ng operasyon Barangay Kaluangan, Asturias, Cebu at Barangay Matab-ang, Toledo City.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, aabot sa 10,150 fully grown marijuana ang pinagbubunot at sinunog sa Asturias, Cebu habang 32,000 fully grown marijuana plants naman sa Toledo City.

Ang halaga ng mga sinirang marijuana plants aabot sa kabuuang 10.5 milyong piso.


Nahuli naman ang isa sa mga nagtanim ng marijuana plants sa Asturias Cebu na kinilalang si Edwin Suplaag 47-anyos residente ng Brgy. Langosig, Danao City.

Habang pinaghahanap ang isa pang suspek na si Florencio Basilis, 40-anyos.

Sa ngayon, mahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek.

Facebook Comments