P10.9M LOAN ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA LIVELIHOOD GROUPS NG PANGASINAN

Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang P10.9 milyon na assistance loan sa 64 na livelihood groups at isang micro, small, medium enterprise o MSME sa ilalim ng Provincial Livelihood Assistance Program o LAP.

Layunin ng livelihood assistance program na matulungan ang mga maliliit na negosyante, mga asosasyon, at mga kooperatiba sa Pangasinan upang mapaunlad ang kanilang mga negosyo.

Ito na ang ikaapat na batch ngayong taon ng livelihood distribution sa kabila ng nararanasang pandemya. Mayroong 17 na bagong grupo ang nakasama sa programang ito samantalang ang iba ay nasa kanilang renewal cycles na.


Ayon naman kay Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO) Planning Officer III Alex Sevilla, ang livelihood distribution ngayon ay ang may pinakamalaking halaga ng loan na ipapamahagi at ang may pinakamaraming benepisyaryo.

Facebook Comments