
Binigyang pugay ni Police Regional Office Negros Island Region Director BGen Arnold Thomas Ibay ang Negros Oriental Police Provincial Office matapos masamsam ng awtoridad ang mahigit P10-M halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Bajumpandan, Dumaguete City, Negros Oriental.
Kinilala ang 41-anyos na suspek bilang si alyas “Franklin” na residente ng Barangay Buntis, Bacong, Negros Oriental.
Isinagawa ang operasyon ng Dumaguete City Police Station City Drug Enforcement Unit sa nangyaring ilegal na transaksyon sa lugar.
Binati ni Ibay ang mga operatiba sa kanilang pagkaalerto at sa nagawang positibong operasyon.
Facebook Comments







