P10 million halaga ng kinukumpuning kalsada, natapos na sa Ubay, Bohol, ayon sa DPWH

Naniniwala ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na malaking maitutulong sa mga motorista lalung-lalo na sa mga negosyante upang mapadali ang paghahatid ng kanilang mga produkto na ligtas at convenient na mag-travel patungong Tapal Wharf at White Beaches sa Barangay Tapal, Ubay, Bohol.

Base sa ipinarating na ulat ni DPWH Region 7 Director Edgar Tabacon kay Secretary Mark Villar, sinabi nito na ang road project ay madaling makararating sa mga pantalan at tourist destinations kung saan ay maaari pang i-promote ang socio-economic development sa munisipalidad ng Ubay, Bohol.

Dagdag pa ni Villar, ang naturang proyekto na may lawak na 3.1 kilometro ay may halagang 10 milyong piso.


Facebook Comments