P10 minimum fare sa jeep, inihihirit muli

Umapela ang ilang grupo ng mga jeepney operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibalik sa P10 ang minimum na pasahe sa jeep bunsod ng taas-presyo sa langis.

Ayon kay Pasang Masda President Roberto “Obet” Martin, hindi na kailangan ng sulat o hearing para ibalik sa P10 ang pasahe.

Giit naman ng LTFRB, kailangan munang tumuntong ulit sa higit P46 kada litro ang diesel bago nila aksiyonan ang hirit na itaas ulit ang minimum na pasahe.


Matatandaang itinaas noong Nobyembre 2018 sa P10 ang minimum na pasahe sa mga jeep sa Metro Manila, Central Luzon, Mimaropa at Calabarzon bunsod ng serye ng taas-presyo sa langis.

Pero ibinaba muli ito sa P9 noong Disyembre matapos ang sunod-sunod na pagtapyas sa presyo ng petrolyo noon.

Facebook Comments