Manila, Philippines – Hihilingin ni House Speaker Gloria Arroyo sa bicameral conference committee na maglaan ng P100 Million na pondo para sa pabahay sa mga mahihirap.
Ito ay matapos matuklasan na walang pondo ang DPWH na in-charge sa National Government Center for Urban Poor Housing para sa 2019 budget.
Bagamat marami nang na-i-award na bahay at titulo para sa mga benepisyaryo, marami pa ring problema ang kinakaharap sa pabahay sa mga mahihirap tulad ng land-grabbing at kawalan ng reblocking ng mga properties.
Dahil dito kaya din bumuo ng Oversight Committee on the National Government Center for Urban Poor Housing ang Kamara para solusyunan ang problema ng nasa 6,000 urban poor beneficiaries sa Quezon City.
Dudulog ang Speaker sa House Contingent sa bicam para mabigyan ng P100 Million na pondo ang programa na gagamitin para sa acquisition ng mga titulo ng mga beneficiaries.
Ang proyektong ito sa ilalim ng RA 9207 ay binuo noong Pangulo pa si Arroyo taong 2003.