P10,000 ANNUAL TEACHING ALLOWANCE, APRUBADO NA

CAUAYAN CITY- Ikinatuwa ni Cagayan 3rd District Representative Joseph Lara ang pagkaka apruba sa kanilang isinulong na Republic Act 11997 o ang Kabalikat sa Pagtuturo Act.

Ito’y matapos na lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang nabanggit na batas na magbibigay ng karagdagang insentibo sa mga guro ng pampublikong paaralan.

Watch more balita here: LPG RETAILERS AT MGA KONSYUMER, APEKTADO PA RIN


Sa kapangyarihan ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, tatanggap na ng 10 libong pisong teaching allowance kada taon ang mga public school teacher simula sa school year 2025-2026, mula sa dating 5 libong piso.

Ito rin ay exempted sa income tax kaya naman buong-buo itong matatanggap ng mga guro.

Umaasa naman si Pang. Marcos na sa pamamagitan ng batas na ito ay mapapapagaan na ang pasanin ng mga public teachers sa ating bansa.

Facebook Comments