P10,000 dagdag na sahod sa mga guro, isinusulong ng isang Senador

Pinadadagdagan ng P10,000 ang sahod ng mga guro sa basic education.

Sa panukalang “Angat Sweldo Para sa Guro Act” na inihain ni Senator Bam Aquino, ang P10,000 na dagdag kompensasyon sa mga guro ay hahatiin sa tatlong tranches, P4,000 kada buwan para sa unang taon; P3,000 na dagdag kada buwan sa ikalawang taon; at P3,000 per month sa ikatlong taon.

Saklaw ng panukalang dagdag na suporta at kompensasyon ang mga public school teachers, locally funded teachers, Philippine Science High School System teaching and non-teaching personnel, at non- teaching personnel ng Department of Education (DepEd).

Hindi naman kasali sa additional support na ito ang mga sumasahod na ng salary grade 30 at iba pang mas matataas na posisyon.

Makatatanggap din ang mga beneficiaries ng P1,000 na annual allowance para sa medical check-up.

Binibigyang otorisasyon din ang DepEd na magbigay ng annual magna carta bonus sa mga public school teachers at non-teaching personnel ng ahensya.

Facebook Comments