Tinawag na fake news ni Presidential Anti- Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica ang umano’y kanyang pahayag na maituturing na nominal ang isang-daang libong piso para ipang-regalo bilang token of appreciation sa mga nasa gobyerno.
Ayon kay Belgica, twisted story ang naturang balita na lumutang nang siya’y nakapanayam sa isang TV program.
Binigyang diin ni Belgica na ang 100- thousand peso nominal remarks niya ay kanya lamang ginamit na “halimbawa” upang idetermina kung ang isang halaga ay maituturing na insignificant o hindi naman gayung kalaki.
Inihayag ng PACC official na dapat na maging malinaw ang batas tungkol dito.
Ang reaksiyon ay ginawa ni Belgica sa gitna ng pahayag kahapon ni Senador Panfilo Lacson na masyadong malaki ang 100 thousand pesos bilang nominal amount.