CAUAYAN CITY- Isa sa mga proyektong isinusulong ng pamunuan ng Brgy. Labinab ay ang konstruksyon ng flood control project sa kanilang lugar.
Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Juanito “Jhong” Estrada Jr., ang naturang proyekto ay may habang tatlong daang metro kung saan may badyet itong isang daang milyong piso.
Aniya, madalas nakakaranas ng pag-apaw ng tubig ang kanilang barangay kaya naman layunin ng proyekto na protektahan hindi lamang ang mga mamamayan kundi ang mga sakahan ng mga magsasaka sa kanyang nasasakupan.
Dadag pa niya, habang tumatagal ay lumuluwang ang ilog na nagiging dahilan upang maraming lupain ang natitibag dahil sa kawalan ng flood control project.
Sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga magsasaka pagdating sa usaping agrikultura lalo na at ito ang kanilang pangunahing hanapbuhay.