P107 million na halaga ng magagarang sasakyan, nasabat ng Bureau of Customs

Manila, Philippines – Nasa labing walong magagarang sasakyan na nagkakahalaga ng P107 million ang nasabat ng Bureau of Customs.

Sabi ni Customs Commissioner Isidro LapeƱa, ang mga nasabing luxury vehicle ay magkakahiwalay na dumating sa manila international container port noong Oktubre 13 hanggang 16.

Kabilang dito ang labing dalawang Toyota Land Cruiser, tatlong range rover, dalawang Chevrolet Camaro at isang latest model ng Mclaren supercar.
Malinaw din aniya na isa itong kaso ng technical smuggling, kaya kaagad nilang iimbestigahan ang mga sangkot.


Kinumpiska ang mga ito dahil undervaluation at kakulangan ng documentary requirements mula sa Bureau of Internal Revenue.

Facebook Comments